Sya c Sponge Bob
Ang SpongeBob SquarePants ay isang
seryeng animasyon na palabas sa panooran
. Kabilang ito sa mga nakawiwiling
Nicktoons (mga kartun ngNickelodeon). Noong
2007 , pinangalanan itong pinaka-tanyag na palabas ng magasing
Time . Bagaman unang sumahimpapawid ito mula sa
Nickelodeon sa Estados Unidos , laganap na ang pagpapalabas nito sa buong mundo. Kinatha ito ni Stephen Hillenburg at pinamamangasiwaan ng kumpanyang United Plankton Pictures, Inc.. Naipalabas din ang SpongeBob sa MTV, ang kapatid na kumpanya ng Nickolodeon noong 2006, ngunit hindi nagtagal.
Ang pangunahing lokasyon ng palabas, ang Lungsod ng Bikini Bottom sa Karagatang Pasipiko ang tagpuan ng palabas na ito. Sumahimpapawid ang unang palabas nito noong ika-1 ng Mayo, 1999, bagaman ang unang opisyal na pagtatanghal ay noong ika-17 ng Hulyo, 1999, kinapapalooban ng pangalawang bahagi, ang Bubblestand at Ripped Pants.
SpongeBob SquarePants
— isang palakaibigan at nakakatawang espongha na mahilig sa paghuli ng mga dikya at paglalaro ng karate. Hanap-buhay niya ang pagpiprito ng Kraby Patty sa kainang Krusty Krab. Siya ay isang magaling na tauhan ni mr.krabs. Siya ay may alagang susona ang pangalan ay Garry.
Patrick Star
— ang pinakamatalik na kaibigan ni Spongebob. Medyo di naiintindihan ang mga bagay na nangyayari.
Sandy Cheeks
— isang squirrel na taga-Texas.Isang squirrel na magaling sa karate. Siya ay malakas at matalik na kaibigan din ni spongebob.
Eugene H. Krabs
— isang kuripot na alimango ng may-ari ng Krusty Krab.
Pearl Krabs
— anak ni Ginoong Eugene H. Krabs. mahilig sa mga gala at sa mga gimik
Squidward Tentacles
— kapitbahay ni Spongebob Squarepants at Patrick Star, na kahera sa Krusty Krab, at mahilig tumugtog ng klarinetbagaman walang kahusayan dito. Walang masyadong nakakaalam na isa siyang pugita, hindi isang pusit. madalas siyang naiinis kay spongebob ngunit hindi nagsasawa si spongebob na kaibiganin ito.
Gary the Snail
— alagang susong hayop ni SpongeBob.
Sheldon J. Plankton
- kalaban ni Ginoong Krabs. Gagawin niyang lahat para manakaw ang resiping Krabby Patty (Tortang Alimango) ni Ginoong Krabs.
Mrs. Puff — guro ni SpongeBob sa pagmamaneho.Mermaid Man at Barnacle Boy — mga matatandang superhero na nag-retiro na pero kinawiwilihan parin nina SpongeBob at Patrick.Larry the Lobster — isang malusog, masigla at malakas na ulang.Perch Perkins - isang mamamahayag sa Bikini Bottom
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento